Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Shannen Marie Flores - 8G

Makakaya mo ba na mabuhay na walang kuryente? Na kailangan pa na maghintay ng ulan para magkatubig? Magluto sa malalaki at maiinit na kugon? Mabubuhay ka ba kung walang wi-fi at gadgets? Mahirap diba? Pero nakaya ng ating mga ninuno. Importante ang pagbabalik-aral sa ating kasaysayan upang kilalanin ang galing at husay ng ating mga ninuno sa kanilang mga pamumuhay sa mga panahon na walang kuryente at ang lahat ay kailangang paghirapan at pagpawisan para magawa. Isang halimbawa ay ang mga museo tulad ng St. Museo de La Salle. Ang St. Museo de La Salle ay binase sa mga 19th century na bahay na gawa sa bato noong panahon ng Espanyol. Ang impastraktura ay may gulang na labing-limang taon habang ang mga artifacts sa loob nito ay may tanda na pitongput-limang taon. Ang unang palapag ay gawa sa bato at ang pangalawang palapag naman ay gawa sa kahoy. Sa loob, bubungad ang isang malaking foyer table na gawa sa narra at may mga disenyo na ginawa gamit ang ngipin at buto ng buffalo. Makikita rin ang isang malawak na hagdan na tinawag na calda na galing sa salitang “caere” na ibigsabihin ay to let fall dahil daw sa mga babaeng nakatira doon noon na may mahahabang palda kung kaya’t kailangan nilang hawakan ang kanilang palda hangang sila’y makaabot sa tuktok. Pag nakaabot sila sa dulo ng hadan, bibitawan nila ang kanilang palda. Ang kisame ng pangalawang palapag ay gawa sa pressed metal sheets upang maiwasan ang pagkasunog ng bahay dahil sa kanilang paggamit ng kandila bilang ilaw sa kabahayan at sa kanilang aranya. May isang silid na tinawag na Guevarra room sa loob ng museo dahil ang mga rebulto at pigurin na santo at ang malaking urza na gawa sa lahar ay donasyon galing sa pamilya Guevarra. Meron ding lugar, ang alcobe, para sa mga kasapi na tumutugtog ng instrumento. Ang despacho ay ang opisina ng pinuno ng tahanan kung saan ginaganap ang mga pagpupulong tungkol sa negosyo at kung saan nakasabit ang mga malalaking bungo ng mga hayop. Isa itong kompetisyon dati sa mga kalalakihan na palakihan ng mahuhuling hayop. Ang cuarto de senorita o ang pink room ay ang silid ng mga kababaihan at may disenyo na ginamitan ng trompl’oein painting technique, isang paraan ng pagpinta kung saan ang mga ipinintang larawan ay nagiging three-dimensional kapag tinamaan ng ilaw ng kandila. Kung may pink room meron ding blue room o ang cuarto kung saan natutulog ang mag-asawa. Uso noon ang pinagkasundong kasalan. Ang kasal ay ginaganap ng tatlong beses: sa simbahan, sa munisipyo, at sa oratoryo. Natuwa ako nang nakita ko ang nilalaman ng museo at sa mga artifacts nito. Parang mas maganda ang mga disenyo, kulay, at hitsura ng mga plato, kisame, at mga hagdan nila dahil siguro mas mura pa ang mga materyales noon. Pero subalit sa ganda ng lahat, napagtanto ko na hindi gaano ka-gaan ang buhay nila noon kesa sa kasalukuyan dahil wala silang kuryente at madilim kadalasan ang bahay kahit may kandila. Naisip ko na dapat magpasalamat ako na ipinanganak ako sa pahanon ngayon at di ko kailangan na magsuot ng pitong layer ng damit dahil hindi pa naiimbento ang underwear noon at magpainit ng baga para lang makapagplantsa ng aking damit. Hindi ko kailangan maghakot ng tubig mula sa balon, magipon ng tubig-ulan, mangapa sa dilim ng pansindi ng kandila, o gumamit ng arinola na walang flush, o gamitin ang silia de servicio, isang upuan na pwede tangalin ang takip at maging banyo. Kaya’t namangha rin ako sa mga tao noon dahil naisip nila na gawin ang mga iyon at nakayanan nilang mabuhay sa pamamagitan ng mga pamamaraan na iyon.
Kinagalakan ko ang museo dahil napreserba at pinangangalagaan nila ang mga artifacts na nakuha o donasyon sa kanila. Di sila nagkulang sa paalala na wag hawakan o litratuhan ang mga artifacts sa dahilan na kukupas ang mga ito. Kaya nga lang, makitid ang mga daan sa loob ng museo. Mainit din ang pangalawang palapag kahit bukas ang mga bintana, hindi ka makakahinga ng maayos kung marami kayo nandoon dahil sa init at kakulangan sa bentilasyon sa loob. Madilim din ang loob ng museo. Sana ay nilawakan nila ang mga daanan sa loob ng museo para hindi magkasiksikan ang mga dadayo doon at sana magkaroon ng mas maayos na bentilasyon ng hangin ang pangalawang palapag para hindi mahirapan huminga ang mga pupunta sa museo. Pero lahat lahat, nagustuhan ko ang aking pagbisita sa museo dahil marami akong natutunan at nalaman. Sinong mag-aakala na sa cocina ay may lumang bote ng San Mig? Nakakatuwa diba? Na makita at malaman mo ang kasaysayan? Masaya ako sa pag-ikot sa museo at naisipan kong bumalik at ibahagi sa aking pamilya ang aking mga natuklasan sa susunod kong pagbabalik.
Tunay nga na mahalaga ang mga museo. Sa mga museo pinangangalagaan at masasaksihan ang kasaysayan harap-harapan. Dito niyo mababalikan ang mga sinaunang panahon at mamangha kung gaano kalayo na ang inasenso ng buhay ng mga tao mula sa pagsulat ng liham hangang sa makaabot tayo sa Messenger. Dito natin makikita ang iba’t-ibang bagay na di natin inakala na meron pala sa daigdig na ito. Kaya’t napakahalaga ng mga museo dahil dito maalala at masasaksihan ang ating makulay na kasaysayan, noon, ngayon, at sa mga darating pang panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento