Maraming bagay ang aking
natutunan sa aking pagpasok ng Museo na itinerno sa mga sinaunang bahay dahil
ang mga ito ay sadyang napakarikit. Pinapalakas at binubuhay muli nito ang
kultura ng sinanunang Pilipino sa kanilang gusting disenyo ng kanilang mga bahay.
Maraming kagamitan ang aking nadiskubre na sadyang napakahalaga pala noong
sinaunang panahon. Isang halimbawa na nito ay ang mga kasuotan. Mahalagang
malaman ng ga estudyante ang mga kaalaman tungkol sa sinaunang Pilipino upang
maibahagi nila ang kanilang kaalaman sa susunod pang henerasyon at upang
mapanatiling buhay at malakas ang kulturang Pilipino na sinisimbolo ng mga
bagay na makikita sa museong ito. Ito ay mahalaga dahil matututunan ng mga
estudyante ang kultura ng sinanunang Pilipino. Mahalagang manatilng buhay ang
kulturang Pilpino dahil ito ang tanda at simbolo ng ating bansang Pilipinas.
Aking napansin na talagang napakaganda ng museong ito sapagkat dito napakkita
ang kultura ng ating mga ninuno sa sinaunang panahon na dapat natin pahalagahan
dahil ito’y kultura ng ating mga kababayan at kalahi. Aking suhestiyon na
kanila pang panatilihin ang tamang pag aalaga sa mga bagay na napakahalaga sa
loob ng museo.
Museo De La Salle Dasmariñas Cavite
Ang mga sumusunod na larawan ay hindi namin minamay-ari. Isang malaking parangal para sa mga may-ari. Ang blog na ito ay ginawa ng mga estudyanteng nasa ika-walong baitang sa De La Salle University Dasmariñas. Maraming salamat po.
Linggo, Nobyembre 8, 2015
Renz Luigi Gonzales - 8G
Sa aking pagdating sa Museo De La Salle ako ay namangha na kaagad sa laki nito. Pagpasok ko sa loob ng Museo dumaan ako sa pinto na napakalaki na gawa sa kahoy na tinatawag na puerta mayor na dinadaanan ng mga karwahe kaya ito ay malaki. Ngunit kapag ang mga tao ang dumadaan mayroong maliit na putol sa pinto na tinatawag na postigo na sadyang nakalaan upang daanan ng tao. Sa aking pagpasok sa loob ako ay namangha sa angking laki ganda at luwag nito. Ang bahaging baba ng museo ay gawa sa baton a itinerno sa mga bahay na bato noong unang panahon at ang ikalawang palapag naman ay gawa sa purong kahoy. Namangha ako sa ganda ng Zaguan na ang hagdanan ng bahay na bato na sadyang napakaganda at napakalapad. Sa kaliwang bahagi ng Museo, doon naming nakita ang karwahe. Mayroong tatlong karwahe na naroroon. Mayroong karwahe na nakatago na natatakpan ng zinc oxide upang mapanatili ang ganda ng pagkagawa ng pilak nito. Ang isa ay itinago ang ulo at mga kamay dahil ang mga ito ay gawa sa ivory na napaka mahal noong sinaunang panahon. Ikinakabit nila ang ulo at kamay kapag may pagdiriwang lamang. At kung walam ito naman ay kanilang itinatago lamang. Sa ikalawang palapag, ikaw ay mabibighani sa ganda ng pintura ng mga dingding at kisama na pinturang kamay lamang. Hindi lamang iisang estilo, ngunit iba iba at napakadami. Unang una mong makikita ay ang caida na kung saan madalas dinadala ng may ari ng bahay ang kanyang mga bisita. Pangalawa ang sala mayor na lugar kung saan pinagdidiwang ang mga pagtitipon na tinatawag na tertulias. Comedor naman ang tawag sa lugar kung saan sila kumakain. Sa kanila, ang kulay bughaw na plato, ang ibig sabihin nito ay mamahalin. Ang Cocina naman ang lugar kung saan sila ay nagluluto. Ang sahig nito ay gawa sa kawayan. Ang azotea naman ay ang lugar kung san pinapatuyo at sinasampay ang mga damit. Pwede rin anyayahin ang kanilang mga bisita na uminom na tsaa rito. Ang Jardin naman o hardin ang nagsisilbing lugar kung saan sila ay maaaring magtanim ng mga halaman. At mayroong parisukat na parte doon na doon lamang mananatili ang mga katulong habang sila ay naghihintay para sa kanilang amo sa kanilang ginagawa sa kanilang hardin.
Sabado, Nobyembre 7, 2015
Jay Gabriel Larga - 8G
Sa paglalakbay ko sa kaloob-looban ng Museo, marami akong nadiskubreng katotohanan (facts) at marami rin akong nakitang mga priimaryang sanggunian na artifacts na nanggaling mismo sa mga oras noon. Isa sa mga nalaman kong impormasyon ay ang Museo De La Salle ay nakatayo na nang labin-limang taon haqbang ang artifacts ay nakatagal na ng halos pitumput taon o mas higit pa. Ang nakakamangha ay ang ibang artifacts ay nakuha lamang matapos itong lumubog sa lahar noong sumabog ang Mount Pinatubo. Isa sa mga nadiskubre di kamailanlan ay ang statwa ng ‘Christ the King’. Nalaman ko rin sa pamamagitan ng mga artifacts ang mga kung paano at saan ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, kung paano nila tinatanggap ang mga bisita, kung saan ginaganap ang mga apagpupulong at pagtatanghal ng mga musikero, at iba pa. Halimbawa ng mga ito ay ang ‘Caida’ na silid kung saan tinatanggap ang mga bisita, ang ‘Alcove’ kung saan tumutugtog ang mga musikero, ang ‘Despacho’ kung saan ginaganap ang mga pagpupulong, ang ‘Oratorio’ na kung saan kinakasal ang mga mag aasawa, at ang ‘Comidor’ kung saan kumakain. Ang halimbawa naman ng mga kagamitan ay ang ‘Mariposa Chair’ na nagmu-mukhang pakpak ng mga paruparo, ang ‘Almario’ na lagayan ng mga armas at sandata, at ang ‘Tortoise’ nanagsisilbing tropeyo sa pagkapanalo sa mga sugal, karera, etc. Isa ko pang natutunan ay ang ‘Tromploeil’ na isang paraan ng pagpipinta na pag kininangan ng ilaw ay magmumukha itong 3D.
Habang papasok ako sa Puerta Mayor ng Museo De La Salle, nakita ko kaagad ang napakalaking espasyo sa loob at sumalubong ang ibang artifacts na halatang matagal nang nakatayo. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay sa kaloob-looban ng Museo. Habang tumatagal ang paglalakbay, sobrang dami kong natutunan at sobrang namangha ako sa mga sinaunang pilipino. Wariin(Imagine) nyo, sobrang laki at sobrang napakakulay ng kisame ng mga sinaunang bahay ngunit lahat ng mga kulay roon ay ‘handpainted’ o ginawa gamit lamang ang kamay. Napaka malikhain talaga ng mga Pilipino noon. Namangha talaga ako sa iba pang mga napakakulay na kagamitan sa mga bahay at kwarto noon katulad na lamang ng Kwarto de señorita, Oratorio, Comidor, Cusina, Guevarra Room, Alcove, Despacho, etc. Napakahalaga ng Museo De La Salle para sakin dahil dito makikita ng mga kasalukuyang pilipino ang kultura, tradisyon, kagamitan, at kung gaano ka-malikhain ang mga Pilipino noon na magsisilbing inspirasyon para sa mga pilipino sa kasalukuyan na mag pagbutihin ang kanilang larangan bilang isang Pilipino. Na-udyok ako na pagbutihin ang aking pag-aaral at tularan ang mga sinaunang Pilipino upang mas gumaling sa larangang pisikal, sa pagiisip, damdamin, ispirituwalidad at pakikitungo.
Katangi-tangi talaga ang bawat sulok ng bawat silid at bawat kagamitan na nakita ko sa Museo. Nagustuhan ko talaga lahat ng mga disenyo ng bawat kwarto at bawat artifafacts na aking nasilayan.
Nagustuhan ko lahat ng mga nasa Museo, ngunit mas magugusthan ko pa kung magagawan ng paraan ang isyu na napaka banas sa loob. Suhestiyon ko sana na lagyan ng aircon ngunit masisira ang imahe ng pagiging sinauna ng museo kaya sana po magawan ng paraan. Iyon lamang po.
Biyernes, Nobyembre 6, 2015
Ingrid Encinas - 8G
Noong ika-18 ng Setyembre, kami ay nagpunta sa museo ng aming unibersidad, ang Museo de La Salle. Sinabi sa amin ng aming mga tour guide na ang museong ito ay base sa 19th century stone houses. Ang gusaling ito ay sinabing labing – limang taon nang nakatayo, samantalang ang mga muwebles at mga artifacts na matatagpuan dito ay mahigit pitumpu’t – limang taon na. Ang una o ang ground floor ng gusali ay gawa sa bato at ang ikalawa o ang second floor naman ng gusali ay gawa sa kahoy.
Ang Museo de La Salle ay binubuo ng maraming mga kwarto na naglalaman ng iba’t ibang mga kagamitan. Kabilang na dito ang Guevarra Room, kung saan ang mga kagamitan, tulad ng mga muwebles at mga alahas, ay donasyon ng pamilyang Guevarra. Mga damit, mga santo at ilan sa mga litrato ng pamilyang Guevarra ay matatagpuan na rin ditto sa silid na ito. Ilan pa dito ang Despacho (kung saan nagaganap ang mga pagpupulong at mga transaksyon sa negosyo), ang Salon de Baile (kung saan nagaganap ang panliligaw), at ang mga cuarto.
Kabilang din sa mga matatagpuan sa museo ang iba’t ibang sining na makikita at mapapansin sa iba’t ibang bahagi ng bahay, tulad ng paggamit ng pressed metal sheets para sa disenyo ng kisame o ceiling ng gusali, at ang mga kagamitang pangdisenyo nila tulad ng taclobo shells. Mayroon din silang mga paniniwala at tradisyon na sinusunod, tulad ng pagkakaroon ng hangganan o boundary ng mga alipin sa hardin sa pamamagitan ng mga tiles, pati na rin ang paglalagay ng mga bote ng inumin (wine) palibot ng hardin na nagpapatunay at nagpapakita na marangya ang pamilyang kinabibilangan.
Marami pang mga kagamitan ang matatagpuan sa museo, tulad ng mga carroza na malimit na ginagamit sa mga relihiyosong okasyon. Ang mga carroza sa museong ito ay iprinepreserba sa pamamagitan ng paglalagay ng zinc oxide upang mapanatili ang orihinal nitong kulay.
Ang mga kagamitang nakita namin sa museong ito ay talagang nagparamdam at nagpakita sa akin ng kultura ng ating mga ninuno. Ako ay talagang natutuwa na nadagdagan ang aking mga kaalaman ukol sa pamumuhay ng ating mga ninuno noong unang panahon. Para sa akin, napakaganda ng ideya ng aming unibersidad na magkaroon ng museo sa loob nito sapagkat dahil dito ay nagkaroon at nadadagdagan pa ang kaalaman hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ng mga taong bumibisita at pumapasyal dito, tungkol sa kultura at pamumuhay ng ating mga ninuno. Ipinakita din at itinuro ng museong ito kung paano bigyan ng importansya at pahalagahan ang mga kagamitan nila noon. Para naman sa aking mga suhestiyon, gusto ko lamang na kung maaari ay magkaroon ng sapat ma impormasyon ang mga tour guide upang ito ay ihatid at ibahagi sa mga bisita, kung maaari din ay sila ay gumawa ng sapat na mga handouts or flyers na maaaring ipamigay. Pati na rin ang pagbibigay ng sapat na bentilasyon at ilaw sa loob ng museo.

Bradley Ivan Gomez - 8G
Ang Museo de La Salle ay sinimulang itayo noong. 1996.Sa kasalukuyan, ito ay 15 taong gulang. Ang disenyo nito ay isang bahay na bato, sa ibabang palapag ay bato habang sa itaas na palapag ay gawa sa kahoy. Ang hagdanan nito ay mayroong mga taclobo shells na nagsisimbulo ng mainit na pagtanggap sa mga bisita. Ang aking mga natutunan sa Museo ay: Ang tawag sa hagdanan ay escalera de mayor. Ang tawag naman sa antesala ay Caida kung saan ang mga maliit na pagdiriwang ay nagaganap. Ang mga disenyo sa kisame ay gawa sa maninipis na piraso ng bakal upang maiwasan ang sunog. Ang tawag naman sa naghihiwalay ng isang kwarto mula sa isa pa ay Calado. Ang pinaka importanteng bahagi naman ng isang bahay na bato ay ang Despacho, kung saan nagaganap ang mga transaksyon at pagtitipon sa kanilang negosyo at puno rin ito ng mga libro. Ang tawag naman sa tulugan ng mag-asawa ay ang blue room. Almario naman ang tawag nila sa lalagyan ng kanilang mga armas. Ang kanilang altar noon ay tinatawag na Oratorio kung saan nagdadasal at ikinakasal ang may-ari ng bahay. Tatlong beses ikinakasal ang mga tao noon sa municipio, simbahan at oratorio dahil ito raw ay nagpapakita ng yaman nila. Ang tawag sa kwarto ng mga babae ay Kwarto de Señorita o kung tawagin ay pink room. Nagsisimbulo rin ng kayaman nila ang lapit ng kanilang bahay mula sa Plaza. Ang Sala Mayor ay ang lugar kung saan sila nagsasayawan at nagkakasiyahan. Sabi rin na kung nakaupo ang babaeng mayroong suot na mahabang gown sa Mariposa chair, mas lalo daw siyang gumaganda. At kapag asul ang kulay ng pinggan, nagsisimbulo,ito ng kayamanan, at kapag mayroong mga bote ng alak sa iyong hardin, mas marami mas mayaman. Ang pinya na nasa itaas ng isang Altide na nagsisilbing balon na pinagkukunan ng tubig mula sa ulan ay nagsisimbulo ng pagiging matulungin sa kapwa o “hospitable.” Ang mga katulong ay nananatili lamang sa isang lugar sa hardin, kapag may iuutos ang bisita o may-ari, sila ang lalapit sa katulong. Ang tropical naman na klima sa Pilipinas ang dahilan ng paglaganap ng pamaypay.
Ang aking mga natutunan sa pagpunta sa Museo ay: Ang museo ay mahalaga dahil ito ang nagsisilbing tagapagpreserba ng mga gamit na sinauna pa upang mapagaralan ng mga eksperto at ipang maipasa pa ito sa susisnod na henerasyon. Dahil rin dito nadaragdagan ang ating mga kaalaman sa kasaysayan na hindi itinuturo sa paaralan. Ang kahalagahan naman ng pagkakaroon ng isang museo sa isang paaralan o unibersidad ay dahil dto hindi kakailanganing umalis pa o lumabas ng unibersidad o paaralan upang bumisita pa sa isang museo, dahil rin dito mas ligtas ang mga estudyante sa anumang aksidente. Ang masamang dulot naman ng pagkakaroon ng museo sa loob ng paaralan o unibersidad ay sa paningin ng ibang tao ito ay giagawang pagkakakitaan ng eskwelahan. Ang kabuuan naman ng aking pagbisita sa Museo de La Salle ay naging maayos at makabuluhan. Ngunit, may maliit lamang na bagay na nagging problema, sila ay nagkukulang sa mga guide na personnel at dahil doon parami ng parami ang naghihintay na mga tao. Ang suhestion ko ay dagdagan ang mga guide sa museo. Kabuuan ay naging maayos ang aking pagbisita.

Shannen Marie Flores - 8G
Makakaya mo ba na mabuhay na walang kuryente? Na kailangan pa na maghintay ng ulan para magkatubig? Magluto sa malalaki at maiinit na kugon? Mabubuhay ka ba kung walang wi-fi at gadgets? Mahirap diba? Pero nakaya ng ating mga ninuno. Importante ang pagbabalik-aral sa ating kasaysayan upang kilalanin ang galing at husay ng ating mga ninuno sa kanilang mga pamumuhay sa mga panahon na walang kuryente at ang lahat ay kailangang paghirapan at pagpawisan para magawa. Isang halimbawa ay ang mga museo tulad ng St. Museo de La Salle.
Ang St. Museo de La Salle ay binase sa mga 19th century na bahay na gawa sa bato noong panahon ng Espanyol. Ang impastraktura ay may gulang na labing-limang taon habang ang mga artifacts sa loob nito ay may tanda na pitongput-limang taon. Ang unang palapag ay gawa sa bato at ang pangalawang palapag naman ay gawa sa kahoy. Sa loob, bubungad ang isang malaking foyer table na gawa sa narra at may mga disenyo na ginawa gamit ang ngipin at buto ng buffalo. Makikita rin ang isang malawak na hagdan na tinawag na calda na galing sa salitang “caere” na ibigsabihin ay to let fall dahil daw sa mga babaeng nakatira doon noon na may mahahabang palda kung kaya’t kailangan nilang hawakan ang kanilang palda hangang sila’y makaabot sa tuktok. Pag nakaabot sila sa dulo ng hadan, bibitawan nila ang kanilang palda. Ang kisame ng pangalawang palapag ay gawa sa pressed metal sheets upang maiwasan ang pagkasunog ng bahay dahil sa kanilang paggamit ng kandila bilang ilaw sa kabahayan at sa kanilang aranya.
May isang silid na tinawag na Guevarra room sa loob ng museo dahil ang mga rebulto at pigurin na santo at ang malaking urza na gawa sa lahar ay donasyon galing sa pamilya Guevarra. Meron ding lugar, ang alcobe, para sa mga kasapi na tumutugtog ng instrumento. Ang despacho ay ang opisina ng pinuno ng tahanan kung saan ginaganap ang mga pagpupulong tungkol sa negosyo at kung saan nakasabit ang mga malalaking bungo ng mga hayop. Isa itong kompetisyon dati sa mga kalalakihan na palakihan ng mahuhuling hayop. Ang cuarto de senorita o ang pink room ay ang silid ng mga kababaihan at may disenyo na ginamitan ng trompl’oein painting technique, isang paraan ng pagpinta kung saan ang mga ipinintang larawan ay nagiging three-dimensional kapag tinamaan ng ilaw ng kandila. Kung may pink room meron ding blue room o ang cuarto kung saan natutulog ang mag-asawa. Uso noon ang pinagkasundong kasalan. Ang kasal ay ginaganap ng tatlong beses: sa simbahan, sa munisipyo, at sa oratoryo.
Natuwa ako nang nakita ko ang nilalaman ng museo at sa mga artifacts nito. Parang mas maganda ang mga disenyo, kulay, at hitsura ng mga plato, kisame, at mga hagdan nila dahil siguro mas mura pa ang mga materyales noon. Pero subalit sa ganda ng lahat, napagtanto ko na hindi gaano ka-gaan ang buhay nila noon kesa sa kasalukuyan dahil wala silang kuryente at madilim kadalasan ang bahay kahit may kandila. Naisip ko na dapat magpasalamat ako na ipinanganak ako sa pahanon ngayon at di ko kailangan na magsuot ng pitong layer ng damit dahil hindi pa naiimbento ang underwear noon at magpainit ng baga para lang makapagplantsa ng aking damit. Hindi ko kailangan maghakot ng tubig mula sa balon, magipon ng tubig-ulan, mangapa sa dilim ng pansindi ng kandila, o gumamit ng arinola na walang flush, o gamitin ang silia de servicio, isang upuan na pwede tangalin ang takip at maging banyo. Kaya’t namangha rin ako sa mga tao noon dahil naisip nila na gawin ang mga iyon at nakayanan nilang mabuhay sa pamamagitan ng mga pamamaraan na iyon.
Kinagalakan ko ang museo dahil napreserba at pinangangalagaan nila ang mga artifacts na nakuha o donasyon sa kanila. Di sila nagkulang sa paalala na wag hawakan o litratuhan ang mga artifacts sa dahilan na kukupas ang mga ito. Kaya nga lang, makitid ang mga daan sa loob ng museo. Mainit din ang pangalawang palapag kahit bukas ang mga bintana, hindi ka makakahinga ng maayos kung marami kayo nandoon dahil sa init at kakulangan sa bentilasyon sa loob. Madilim din ang loob ng museo. Sana ay nilawakan nila ang mga daanan sa loob ng museo para hindi magkasiksikan ang mga dadayo doon at sana magkaroon ng mas maayos na bentilasyon ng hangin ang pangalawang palapag para hindi mahirapan huminga ang mga pupunta sa museo. Pero lahat lahat, nagustuhan ko ang aking pagbisita sa museo dahil marami akong natutunan at nalaman. Sinong mag-aakala na sa cocina ay may lumang bote ng San Mig? Nakakatuwa diba? Na makita at malaman mo ang kasaysayan? Masaya ako sa pag-ikot sa museo at naisipan kong bumalik at ibahagi sa aking pamilya ang aking mga natuklasan sa susunod kong pagbabalik.
Tunay nga na mahalaga ang mga museo. Sa mga museo pinangangalagaan at masasaksihan ang kasaysayan harap-harapan. Dito niyo mababalikan ang mga sinaunang panahon at mamangha kung gaano kalayo na ang inasenso ng buhay ng mga tao mula sa pagsulat ng liham hangang sa makaabot tayo sa Messenger. Dito natin makikita ang iba’t-ibang bagay na di natin inakala na meron pala sa daigdig na ito. Kaya’t napakahalaga ng mga museo dahil dito maalala at masasaksihan ang ating makulay na kasaysayan, noon, ngayon, at sa mga darating pang panahon.

Angela Nicole Hernandez - 8G
Petsang Setyembre 18, 2015, kaming mga estudyante ng De La Salle University Dasmarinas High School ay nagpunta sa Museo De La Salle upang magsaliksik. Ang Museo De La Salle ay may tanda ng labin-limang taon gulang ngunit ang mga gamitna nandito ay tinatayang 75 years na pataas, Nagtataglay ang Museo De La Salle ng iba’t ibang artifacts na nagpapakita ng kasaysayan, na karamihan ay noong panahon ng mga Espanyol. Ang unang palapag ng Museo ay gawa sa bato samantalang ang pangalawang palapag naman ay gawa sa kahoy. Marami kaming napuntahan, katulad ng kwarto ng mga Guevara sa isang bahagi ng Museo. Tinawag itong kwarto ng mga Guevara dahil ang nagbigay ng mga artifacts ditto ay ang pamilya ng mga Guevara. Ang mga artifacts na kanilang ibinigay ay mga alahas, damit, at ang santo. Makikita mong ang mga santo ay walang kamay dahil ang mga kamay daw noong unang panahon ay mahirap ukitin. Ang mga alahas ay gawa sa purong ginto. Mayroong replica ang isang senyorita doon. May suot itong magarang damit at ang kanyang tangkad ay nagpapakita ng tangkad ng isang tunay na Pilipina. Mga isang metro na layo sa senyorita, nakaupo ang isang alipin, na nakasuot rin ng isang magandang damit, ngunit mahahalata mong mas magara ang suot ng senyorita dahil pitong patong ang kanyang damit dahil wala pa silang mga damit panloob. Ang mga mesa sa loob ng museo ay gawa sa puno ng Narra, katulad ng “Baliwag table” mula sa probinsya ng Bulacan. Sa ibang bahagi ng museo, aming nakita ang carrosas, mayroon itong white zink oxide upang mapanatili ang pagiging pilak nito. Ang hagdanan naman sa museo ay tinatawag na Scalerra Mayor. Mayroon itong Taklono Shells na nakapatong sa gilid nito. Ang tawag sa mga tiles o semento ng museo ay tinatawag na Descanzo, at Azolemos naman ang tawag sa disenyo nito. Sa bandang hagdan din ay naroon ang Galinera na galing sa salitang Galero na ang ibig sabihin ay manok. Isa sa pinakanapansin ko ay ang kisame na gawa sa press metal sheets upang maiwasan ang init. Ang museo ay mayroong Callado na itinayo upang mahati ang mga kwarto sa museo, upang matukoy kung anong kwarto ito. Katulad ng Akove, ang kwarto kung saan tutugtog ng mga instrument ang pamilya. Ang Despacho, kung saan isinasagawa ang mga mahahalagang pagpupulong. Mayroon itong mga libro tungkol sa batas, na nagpapakita kung ano ang mga libangan ng mga tao noon, ang pagbabasa. Sa museo ay naroon din ang kwarto, na may magkahiwalay na kama. Ito ay dahil uso ang fixed marriage noong mga panahong ito. Malapit sa mga kwarto, ay nandoon ang Oretorio, kung saan nagdadasal ang mga mayayamang tao. Ikinakasal din ang mga mag-asawa dito.
Sa pagbisita sa museo, nagkaroon kaming mga estudyante ng kaalaman kung paano ba namumuhay ang mga tao noon. Ipinakita nito sa amin kung ano ang nakaraan at kung paano naming maiikumpara ito sa kasalukuyan. Nalaman naming kung gaano kalaki ang pagbabago nito kaysa ngayon. Lalo pang naming naintindihan ang kulturang Pilipino at sa kabilang dako, ay mas lumawak pa ang aming pagkamakabayan. Nakita rin naming kung gaano kayaman ang kultura ng mga tao noon, at kung gaano kalawak ang kanilang likas na yaman, dahil ang mga ginagamit nilang mga materyales ay talagang matitibay.
Ang museo ay mayroong mga maayos na patakaran dahil ditto, hindi kami nagkagulo, maayos naming nalibot ang museo kahit halos walumpu kami sa loob. Pangalawa, magagaling ang mga tour guide, naipapaliwanag nila ng maayos ang kada bahagi ng museo at nasasagot nila ang mga tanong naming mga estudyante. Madali rin silang malapitan tuwing may kailangan sa loob ng museo. Pangatlo, sapat ang mga artifacts sa loob ng museo, kahit hindi ito sobrang kalakihan, sapat ang kaalamang aming natanggap upang maunwanaan ang kultura ng mga tao noon.
Suhesyon ko sana ay sa susunod na pagpunta naming mga estudyante ay kada section lang.ito ay dahil medyo masikip sa loob, at hindi tuluy-tuloy ang aming paglilibot sa loob ng museo. Minsan ay kailangan pa naming matapos ang isang grupo para lamang makita naming kung ano ang bahagi ng museo na iyon. Ngunit sa lahat-lahat, maayos ang museo, at Masaya kaming mga estudyante ng Grade 8 dahil marami kaming natutunan.
Sa pagbisita sa museo, nagkaroon kaming mga estudyante ng kaalaman kung paano ba namumuhay ang mga tao noon. Ipinakita nito sa amin kung ano ang nakaraan at kung paano naming maiikumpara ito sa kasalukuyan. Nalaman naming kung gaano kalaki ang pagbabago nito kaysa ngayon. Lalo pang naming naintindihan ang kulturang Pilipino at sa kabilang dako, ay mas lumawak pa ang aming pagkamakabayan. Nakita rin naming kung gaano kayaman ang kultura ng mga tao noon, at kung gaano kalawak ang kanilang likas na yaman, dahil ang mga ginagamit nilang mga materyales ay talagang matitibay. Ang museo ay mayroong mga maayos na patakaran dahil ditto, hindi kami nagkagulo, maayos naming nalibot ang museo kahit halos walumpu kami sa loob. Pangalawa, magagaling ang mga tour guide, naipapaliwanag nila ng maayos ang kada bahagi ng museo at nasasagot nila ang mga tanong naming mga estudyante. Madali rin silang malapitan tuwing may kailangan sa loob ng museo. Pangatlo, sapat ang mga artifacts sa loob ng museo, kahit hindi ito sobrang kalakihan, sapat ang kaalamang aming natanggap upang maunwanaan ang kultura ng mga tao noon.
Suhesyon ko sana ay sa susunod na pagpunta naming mga estudyante ay kada section lang.ito ay dahil medyo masikip sa loob, at hindi tuluy-tuloy ang aming paglilibot sa loob ng museo. Minsan ay kailangan pa naming matapos ang isang grupo para lamang makita naming kung ano ang bahagi ng museo na iyon. Ngunit sa lahat-lahat, maayos ang museo, at Masaya kaming mga estudyante ng Grade 8 dahil marami kaming natutunan.
Jose Manuel Guevarra - 8G
Museo De La Salle nakaayon sa ilan sa mga pinakamahusay na mga halimbawa ng : bahay na bato sa Pilipinas, lalo na ang Constantino house sa Balagtas , Bulacan ; ang Arnedo -Gonzales bahay sa Sulipan , Apalit, Pampanga; at ang Santos- Joven - Panlilio bahay sa Bacolor , Pampanga. Ang gusali mismo ay nakuha sa inspirasyong disenyo mula sa ika-19 siglo, ang bahay na bato , ang dalawang -palapag na gusali na may bato, brick at mortar na istraktura sa antas ng lupa , at karaniwan ay isang kahoy isa sa ikalawang antas . Ang paglitaw ng bahay na bato ay minarkahan ang mga kapansin-pansin na pamumuhay ng ika-19 siglo sa Pilipinas Ang Museo de la Salle, matatagpuan sa loob ng campus ng De La Salle University- Dasmariñas, ay isang natatanging, kultural , cross -disciplinary na institusyon magsilbi bilang isang permanenteng museo ng De La Salle University System. Bilang isang sentro ng mapagkukunan para sa parehong mga panloob at panlabas na mga koleksyon , ito dedicates kanyang sarili sa pagtitipon ng mga collectible mga bagay ng tunay na halaga ng makabuluhang sa pangangalaga ng ilang aspeto ng pamumuhay ng Philippine ilustrado . Ang puerta mayor ay ang pinakapinto ng bahay na bato, na ginagamit lang kapag may mga carroza na pumapasok. Ang Zaguan ay ang unang palapag ng bahay na bato, ito ay tambakan ng mga gamit na hndi masyado ginagamit, parang bodega, dito tinatambak ang mga carroza at lumang mga kasangkapan sa bahay. Ang mga detalye ng caida, sala mayor, despacho, cuarto, oratorio, comedor at cocina ay ginagabayan ng pagsaliksik. Ang Sala Mayor ay lugar ng mga pagdiriwang, ito ay may kulay na pula at ginto dahil sa bandila ng Espanya, ang Comedor ay ang pinaka sala mayor ng bahay na bato, ang Cocina naman ay ang lugar kung saan naglulto, nagpaplantsa at iba pa. Bukod sa paglalaba at pagsasampay ng damit, ito rin ay lugar kung saan pwede makakita ng magandang view. At sa ganon, yun ang mga facts na natutunan ko sa aking paglalakbay sa Museo.
Marami akong natutuan sa loob ng Museo de la Salle, nagulat ako at napakarami palang mga tradisyon at kaisipan sa panahon noon. Lahat ng mga bagay pala doon ay tunay na artipak, bawal ito hawakan upang ito ay mapatagal ang buhay nito. Ang Muse de la Salle ay nagaya ang bahay na bato at ako natuwa sa huasay ng mga Filipino, ako ay namangha. Agaganda ang aking mga natuklasa doon at ako ay natuwa. Sana ay ipagpatuloy ng Museo de la Salle ang pagtangkilik ng ganitong klaseng kahalagang kalidad ng mga kagamitan noon, ito ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon namas malama pa dapat natin an gang ating mga nakaraan. Sana pangalagaan ng Museo ang mga memorya noong unang panahon upang hindi makalimutan ang mga ginawa dati. Mahalaga itong aral at para rin sa mga susunod na henerasyon para hindi makalimutan ang tanda ng pamumuhay ng ila sa ating mga bayani. Suhestioyon ko na ipagpatuloy lang nila ang ginagawa nila upang mas tumagal an gating mga akaalaman sa ating mga isip ang mga pangyayari noon, at upang mas mapalawak ang ating kaalaman tungkol noon. Mas pagandahin a sana nila ang Museo de la Salle at maing maayos ang pamamalaka dito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)