Linggo, Nobyembre 8, 2015

Renz Luigi Gonzales - 8G

Sa aking pagdating sa Museo De La Salle ako ay namangha na kaagad sa laki nito. Pagpasok ko sa loob ng Museo dumaan ako sa pinto na napakalaki na gawa sa kahoy na tinatawag na puerta mayor na dinadaanan ng mga karwahe kaya ito ay malaki. Ngunit kapag ang mga tao ang dumadaan mayroong maliit na putol sa pinto na tinatawag na postigo na sadyang nakalaan upang daanan ng tao. Sa aking pagpasok sa loob ako ay namangha sa angking laki ganda at luwag nito. Ang bahaging baba ng museo ay gawa sa baton a itinerno sa mga bahay na bato noong unang panahon at ang ikalawang palapag naman ay gawa sa purong kahoy. Namangha ako sa ganda ng Zaguan na ang hagdanan ng bahay na bato na sadyang napakaganda at napakalapad. Sa kaliwang bahagi ng Museo, doon naming nakita ang karwahe. Mayroong tatlong karwahe na naroroon. Mayroong karwahe na nakatago na natatakpan ng zinc oxide upang mapanatili ang ganda ng pagkagawa ng pilak nito. Ang isa ay itinago ang ulo at mga kamay dahil ang mga ito ay gawa sa ivory na napaka mahal noong sinaunang panahon. Ikinakabit nila ang ulo at kamay kapag may pagdiriwang lamang. At kung walam ito naman ay kanilang itinatago lamang. Sa ikalawang palapag, ikaw ay mabibighani sa ganda ng pintura ng mga dingding at kisama na pinturang kamay lamang. Hindi lamang iisang estilo, ngunit iba iba at napakadami. Unang una mong makikita ay ang caida na kung saan madalas dinadala ng may ari ng bahay ang kanyang mga bisita. Pangalawa ang sala mayor na lugar kung saan pinagdidiwang ang mga pagtitipon na tinatawag na tertulias. Comedor naman ang tawag sa lugar kung saan sila kumakain. Sa kanila, ang kulay bughaw na plato, ang ibig sabihin nito ay mamahalin. Ang Cocina naman ang lugar kung saan sila ay nagluluto. Ang sahig nito ay gawa sa kawayan. Ang azotea naman ay ang lugar kung san pinapatuyo at sinasampay ang mga damit. Pwede rin anyayahin ang kanilang mga bisita na uminom na tsaa rito. Ang Jardin naman o hardin ang nagsisilbing lugar kung saan sila ay maaaring magtanim ng mga halaman. At mayroong parisukat na parte doon na doon lamang mananatili ang mga katulong habang sila ay naghihintay para sa kanilang amo sa kanilang ginagawa sa kanilang hardin.

Maraming bagay ang aking natutunan sa aking pagpasok ng Museo na itinerno sa mga sinaunang bahay dahil ang mga ito ay sadyang napakarikit. Pinapalakas at binubuhay muli nito ang kultura ng sinanunang Pilipino sa kanilang gusting disenyo ng kanilang mga bahay. Maraming kagamitan ang aking nadiskubre na sadyang napakahalaga pala noong sinaunang panahon. Isang halimbawa na nito ay ang mga kasuotan. Mahalagang malaman ng ga estudyante ang mga kaalaman tungkol sa sinaunang Pilipino upang maibahagi nila ang kanilang kaalaman sa susunod pang henerasyon at upang mapanatiling buhay at malakas ang kulturang Pilipino na sinisimbolo ng mga bagay na makikita sa museong ito. Ito ay mahalaga dahil matututunan ng mga estudyante ang kultura ng sinanunang Pilipino. Mahalagang manatilng buhay ang kulturang Pilpino dahil ito ang tanda at simbolo ng ating bansang Pilipinas. Aking napansin na talagang napakaganda ng museong ito sapagkat dito napakkita ang kultura ng ating mga ninuno sa sinaunang panahon na dapat natin pahalagahan dahil ito’y kultura ng ating mga kababayan at kalahi. Aking suhestiyon na kanila pang panatilihin ang tamang pag aalaga sa mga bagay na napakahalaga sa loob ng museo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento