Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Ingrid Encinas - 8G

Noong ika-18 ng Setyembre, kami ay nagpunta sa museo ng aming unibersidad, ang Museo de La Salle. Sinabi sa amin ng aming mga tour guide na ang museong ito ay base sa 19th century stone houses. Ang gusaling ito ay sinabing labing – limang taon nang nakatayo, samantalang ang mga muwebles at mga artifacts na matatagpuan dito ay mahigit pitumpu’t – limang taon na. Ang una o ang ground floor ng gusali ay gawa sa bato at ang ikalawa o ang second floor naman ng gusali ay gawa sa kahoy. Ang Museo de La Salle ay binubuo ng maraming mga kwarto na naglalaman ng iba’t ibang mga kagamitan. Kabilang na dito ang Guevarra Room, kung saan ang mga kagamitan, tulad ng mga muwebles at mga alahas, ay donasyon ng pamilyang Guevarra. Mga damit, mga santo at ilan sa mga litrato ng pamilyang Guevarra ay matatagpuan na rin ditto sa silid na ito. Ilan pa dito ang Despacho (kung saan nagaganap ang mga pagpupulong at mga transaksyon sa negosyo), ang Salon de Baile (kung saan nagaganap ang panliligaw), at ang mga cuarto. Kabilang din sa mga matatagpuan sa museo ang iba’t ibang sining na makikita at mapapansin sa iba’t ibang bahagi ng bahay, tulad ng paggamit ng pressed metal sheets para sa disenyo ng kisame o ceiling ng gusali, at ang mga kagamitang pangdisenyo nila tulad ng taclobo shells. Mayroon din silang mga paniniwala at tradisyon na sinusunod, tulad ng pagkakaroon ng hangganan o boundary ng mga alipin sa hardin sa pamamagitan ng mga tiles, pati na rin ang paglalagay ng mga bote ng inumin (wine) palibot ng hardin na nagpapatunay at nagpapakita na marangya ang pamilyang kinabibilangan. Marami pang mga kagamitan ang matatagpuan sa museo, tulad ng mga carroza na malimit na ginagamit sa mga relihiyosong okasyon. Ang mga carroza sa museong ito ay iprinepreserba sa pamamagitan ng paglalagay ng zinc oxide upang mapanatili ang orihinal nitong kulay.
Ang mga kagamitang nakita namin sa museong ito ay talagang nagparamdam at nagpakita sa akin ng kultura ng ating mga ninuno. Ako ay talagang natutuwa na nadagdagan ang aking mga kaalaman ukol sa pamumuhay ng ating mga ninuno noong unang panahon. Para sa akin, napakaganda ng ideya ng aming unibersidad na magkaroon ng museo sa loob nito sapagkat dahil dito ay nagkaroon at nadadagdagan pa ang kaalaman hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ng mga taong bumibisita at pumapasyal dito, tungkol sa kultura at pamumuhay ng ating mga ninuno. Ipinakita din at itinuro ng museong ito kung paano bigyan ng importansya at pahalagahan ang mga kagamitan nila noon. Para naman sa aking mga suhestiyon, gusto ko lamang na kung maaari ay magkaroon ng sapat ma impormasyon ang mga tour guide upang ito ay ihatid at ibahagi sa mga bisita, kung maaari din ay sila ay gumawa ng sapat na mga handouts or flyers na maaaring ipamigay. Pati na rin ang pagbibigay ng sapat na bentilasyon at ilaw sa loob ng museo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento